May 21, 2019
 
Welcome, Guest
Username Password: Remember me

Entertainment Round-ups
(1 viewing) (1) Guest
TV's & Movies
  • Page:
  • 1

TOPIC: Entertainment Round-ups

Entertainment Round-ups 7 years, 5 months ago #565


  • Posts:50
  • Process0r_
  • ( User )
  • Senior Boarder
  • OFFLINE
Regine sa nalalapit na kasalan

KUNG may artista man na sobra-sobrang kaligayahan ngayon, wala na yatang tatalo kay Regine Velasquez. Pati wedding gown na isusuot ay^nagkalilito kung iyon bang regalo ni Dra. Vicki Belo ay sadyang napakamahl. Naireport noong una na itong nasabing gown ay nagkakahalaga ng 1.5 milyong piso. Ngunit sa totoo lang, ito naman pala’y P360 thousand pesos lang! Bagamat ganoon din ang kalabasan. Na mahal pa rin itong isusuot na pangkasal. Kapansin-pansin na habang nalalapit ang kasalang Ogie-Alcasid-Regibe come December, bakit sagsag sa katatanggap ng trabaho itong nasabing Songbird? Tatlo-tatlopa raw na proyektong gagawin ni Regine bago sumapit ang naturang pag-iisang dibdib. Kung ganyan din lang at trabaho pa rin ang nasa isipan ni Regine, hind kaya magmukhang pagod, puyat at ngarag ng ngarag sa araw ng kanyang kasal?Imbes palitawin ng pagiging ganap na blushing bride on her wedding.

Kailan ba, Jolina?

SA TUWING nasa television screen si Jolina Magdangal, parang paiba-iba siya ng ayon. Hindi tuloy malaman ng publiko kung siya ba’y nagpapamature looking na, o patuloy sa pagpapa-tweetums lang. May kinalaman bay kaya itong current-boyfriend ni Jolina na miyembro ng isang sikat na banda? Kaya paiba-iba tuloy ang kanyang aura ngayon? Magpahanggang sa kasalukuyan ay single pa rin ang status ni Jolina. Ganoong mga kasabayan, tulad ni Judy-Ann Santos Argoncillo. Ay fully settled na sa pag-aasawa. With matching baby pa na aalagaan anytime soon? Hindi naman magmamadali raw sa pag-aasawa ang nasasabing songstress. Bagamat nasa hustong gulang na and very ripe para mag-asawa. Ready na si Jolina anumang oras mag marriage proposal itong rumored boyfriend. Nakakahiyaan kasi na siya pa mismong magyaya. Babae pa rin daw siya, at marapat lang na manggaling sa kanyang nobyo ang katagang pagpapakasal.

In the news muli si Claire

WALANG mag-aakalang manager na pala si Claire de la Fuente. Siya kasi handler daw ng controversial newcomer Bella Padilla. Pero kung matatandaan, si Claire ay ‘yung nakilalang manganganta noon way back during the Martial Law years. Nang pasikatan nito ang kantang. “Sayang.” Aside from the fact na naka-boses pa niya ang world-class songstress na namayapang Karen Carpenter. Naging maingay si Claire bunga ng isyu na ikinagalit lately. Dahil sa di-umanong pangha-harass ni Marian Rivera sa alaga niyang si Bela. Humaba’t nagsanga-sanga ang naturang kontrebersiya na kaduluhan pa ay nakisali na rin ang mom ni Robin Padilla na si Eva Carino.
Galit si Claire at mukhang totoong palaban sa nagawang pang-aapi raw kay Bela. Hindi dapat pinalalampas ang ganyang panduduro at panlalait umano ni Marian. Detalyadong naikwento and datihang singer ang buong pangyayari kaugnay sa CR incident kung saan ikinulong daw ng Marian si Bela para roon sa loob ay duru-duruin at pintas-pintasan lamang. Not to mention pati ang nagagawang pagbabanta (?) na ipapatalsik ang baguhan sa seryeng pinagsasamahan nila?!
Sa mga oras na isinusulat ito, nagkaroon na g pag-uusap sa pagitan ng both camps of Bela and Marian. Nanatiling hindi sumasagot itong huli, bughang inaakasuhan noon ng “panggagamt\it” lang ang puno’t dulo ng baguhang aktres para aniya’y sumikat at the expense of Marian, would you believe? Sa naturang pag-uusap, bakit tila sobrang yabang ang naging dating ng sikat na aktres? Pilit ang nanunuyang ngiti ni Marian, mandi’y walang nakitang pagpapakumbaba sa telebisyon?

Natahimik din si Claudine

MAGALING na lang at di pinagpursigehan ni Claudine Barreto ang pagdalo sa kagaganap na Satr Magic Ball. Hindi nga ba’t minsang alaga ito ng Dos kung saan laaong nagreyna siya sa naturang aktres para magpangita umano sila ng nakaayaw na si Angelica Panganiban. Nagtagal din ang nabalitang pang-aaway ni Claudine kay Angelica. Bagamat pinili nitong huli ukol sa nasabing panggugulo at pananakot daw ng beterenang aktres. Pero mula datnan si Claudine ng demand letter para sumagot sa gawang “harassment,” natahimik siya bigla, at walang naging katugunan upang panagutan ang naturang “ pagkakamali.” Ang kakatwa sa nasabing isyu ay kung bakit biglang natahimik na itong si Claudine. Hinahanapan na ksai siya ng mga ebidensyang magpapatunay na naskasal sa kanya si Angelica. Ang naturang kaguluhan ay bunga lang ng pagkakalat daw ng tsismis ng seksing nakababatang aktres, kaugnay sa pagkakaroon umano ng boyfriend nitong nakakatandang bituin.

Kakatwang Isyu kina John Lloyd at Shaina

Kung noong una’y puro blind items lang ang naglalabasan patungkol sa magkarelasyong Jhon Lloyd Cruz at Shaina Magdayo, ngayo’y hayagan na dahil usap-usapan itong nagyaring “disgrasya” sa dalawa tungo sa isan kilalang ospital. May mga nagtsitsismis kasi tungkol sa masyotang stars kaugnay sa maselang isyu ng “pagtatalik.” Humantong pa raw sila sa ospital dahil hindi kasi maalis-alis itong kay John sa “ano” ni Shaina. Karugtong pa sa nababalita, nagpasagsag tuloy sa naturang pagamutang sina Mr Johnny Manahan at Vina Morales – only to assist (or verify?) sa pinoproblema raw ng kasalukuyang magkasi. Talukbong lang umano ng kunot sina John Lloyd at Shaina habang papasok sa emergency room. Na “magkadikit” pa rin sila?! Natural lang at para kalasin anumang nakaangkla ru’n. Sinumang nagpapakalat ng ganitong sitsit tungkol kina John Lloyd at Shaina ay di-nakatutuwa. Isipin na kung nagkatotoo man itong sabi-sab, end up as a laughing matter habang aktibo pa rin ang mag-on in showbiz. Titimo kasi kaisipan ng tao ang disgrasyang ganito. Kagaya ba ng sex video scandal nina Katrina Halili, Maricar Reyes at Hayden Kho na hanggang ngayon ay sawria ps rin sa memorya ng lahat.

Naman Annabelle!

KUNG bawat “sumbong” daw ng anak na si Ruffa Guttierez ay papatulan palagi ng inang Annabelle Rama, walang kalagpakan siya kundi may kasamaan ng loob tuwina. Nag-react si Annabelle s di-umanong nasabi ni Ruffa ukol sa pamumunaw eaw ni Angelle Valenciano. Na aniya’y indi kailangan magparetoke pa ng naturang actress-TV host sa kahit aling parte ng mukhang. Tutal maganda naman talaga ang ex-beauty queen kahit pa’t walang ganoon. Tila minasama ng gerilyerang ina ang dating ng simpleng payo lang ng misis ni Gary Valenciano. Kaya kaduluhang ng kwento’t sumbungan ay ang matikabong patutsada ni Anabelle kay Angelie. Nasabihan ito na tigilan ang pakikialam at pagiging tsismosa.
Halata’t habang tumatanda’a nagkakaedad si Annabelle ay tila nagiging mas palaban. Bahagi ba kaya ng ageing process ang pagiging mainitin ng ulo, nitong minsang nag-bold star dat na nanay na lang ngayon? Naman, naman!
  • Page:
  • 1
Time to create page: 0.30 seconds
Sign in

Sponsored Links

Forum Topics

More Topics »

Sponsored Links

Top 5 Most Active Users

  • James Tiu
    127 Points
  • Rhea S. Ong
    122 Points
  • Christine Tan
    118 Points
  • Haidee R. Jenes
    98 Points
  • Marky Garcia
    95 Points
 

Who's Online

We have 466 guests online

New Registered Users