BUTUAN CITY - Umaabot sa72 katao ang huli sa akto na abalang nagsi-shade ng mga balota sa bahay ni dating Comelec Officer Rita Asilo sa Luoc, Brgy. Luna, isla ng Siargao, Surigao del Norte matapos pasukin ng 15 security forces ang bahay nito.
Ayon sa initial report ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), kinumpirma ni Comelec-Caraga regional director Atty. Michael Abas, tumambad sa mga nagsagawa ng raid ang mga balotang mayroon nang shade sa tabi ng pangalan ng mga kandidatong tumatakbo sa ilalim ng partido Liberal.
Kabilang sa mga kandidatong ito sina Surigao del Norte gubernatorial candidate Sol Matugas, 2nd District Congressional candidate Jun Romarate at limang board members pati na sina Surigao City mayoralty candidate Ernesto "Nitoy" Matugas, runningmate nito na si Danny Menor at 10 konsehal.
Maliban sa pre-shaded na mga balota, nakita rin sa loob ng bahay ng opisyal ang ilang makina at 136 ballot boxes.
Source: http://bomboradyo.com/news/latest-news/item/2841-bahay-ng-ex-comelec-officer-sa-siargao-ni-raid-ng-15-security-forces-pre-shaded-ballots-nakita